Paruparong Bukid
Paruparong bukid na lilipad-lipad
Sa gitna ng daan papagapagaspas
Isang bara ang tapis
Isang dangkal ang manggas
Ang sayang de kola
Isang piyesa ang sayad
May payneta pa siya – uy!
May suklay pa man din – uy!
Nagwas de-ohetes ang palalabasin
Haharap sa altar at mananalamin
At saka lalakad nang pakendeng-kendeng.
Sitsiritsit
Sitsiritsit, alibangbang Salaginto at salagubang. Ang babae sa lansangan, Kung gumiri’y parang tandang.
Santo Niño sa Pandakan Puto seko sa tindahan. Kung ayaw mong magpautang, Uubusin ka ng langgam.
Mama, mama, namamangka, Pasakayin yaring bata. Pagdating sa Maynila, Ipagpalit ng manika.
Ale, ale namamayong Pasukubin yaring sanggol. Pagdating sa Malabon, Ipagpalit ng bagoong.
Sitsiritsit, alibangbang, Salaginto at salagubang. Ang babae sa lansangan,’ Kung gumiri’y parang tandang.
Bahay Kubo
Bahay kubo, kahit munti
Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong, sigarilyas at mani
Sitaw, bataw, patani
Kundol, patola, upo’t kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa
sibuyas, kamatis, bawang at luya
sa paligid-ligid ay puro linga.
Leron, Leron Sinta
Leron, leron, sinta
Buko ng papaya
Dala dala’y buslo
Sisidlan ng sinta
Pagdating sa dulo’y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran
Humanap ng iba.
Halika na Neneng, tayo’y manampalok
Dalhin mo ang buslo, sisidlan ng hinog
Pagdating sa dulo’y uunda-undayog
Kumapit ka Neneng, baka ka mahulog.
Halika na Neneng at tayo’y magsimba
At iyong isuot ang baro mo’t saya
Ang baro mo’t sayang pagkaganda-ganda
Kay ganda ng kulay – berde, puti, pula.
Ako’y ibigin mo, lalaking matapang
Ang baril ko’y pito, ang sundang ko’y siyam
Ang lalakarin ko’y parte ng dinulang
Isang pinggang pansit ang aking kalaban.